Mar 6, 2013

#13. Aberya sa Dentista

Hello,

Dahil sa movie na "IT" ni Stephen King, sobrang natakot ako sa mga clowns. Pero maliban sa clowns, sobrang takot din ako sa dentista. That's probably why all my life, I've never really visited a dentist on my own initiative. I tried to avoid going to the dentists as much as I could. But when I had my first job, I had no choice but to face my fear.

For me to be able to join the first batch of trainees on my first job, isa sa mga pre-requisites ay ipatanggal ang lahat ng mga impacted teeth. For those of you na di familiar kun ano ang impacted teeth, eto yung mga wisdom teeth na nakabaon sa dulo ng bibig natin. minsan nakakapit na ito sa jaw natin at kadalasan sumasakit for a variety of reasons.

I remember the shock of my life when I heard that the removal was a requirement. Hindi ko matatakasan. Kahit na malusutan ko itong initial medical, may annual medical at ichecheck nila ito. In other words, kailangan ko ipatanggal. I had the horror of my life when i found out that I actually had 4 impacted teeth! Nasobrahan ako sa calcium. Yung mga kasabayan ko sa training isa o dalawa lang, yung iba nga wala, tapos ako, apat. At ang sabi ng head doctor, I need to have them ALL removed in one week time so I can join the training. Otherwise, mamomove ang training date ko.

So, the first thing I did when I learned about the news was inform my dentist. Kaso lang fully booked siya at hindi niya kakayanin ang rush appointment ko, kasi nga apat na ngipin ito. Kailangan gawin by batch, tapos may out of town trip ata si dentist noon. Nauwi tuloy ako sa nirefer na dentista nung head doctor ng company.

Nakakaloka. Hindi naman sa pang-ookray, first time ko pumunta sa Baclaran noon, kasi andun yung clinic ng dentist na nirefer nila. Medyo di kagandahan ang location ng clinic, yung tipong magdududada ka. Pero ang panlaban ko naman sa isip ko, ito yung nirefer ng head doctor ng company, so there has got to be some credibility to this. Huwag tumingin sa panglabas na anyo, ika nga nila. Nag walk-in lang ako at nung araw na iyon din ay binunutan ako ng ngipin, sa kaliwang bahagi muna, both upper and lower jaw. Inabot ng halos tatlong oras yung process of extraction at sobrang sakit kahit may anesthesia. I remember na nung pinu-pull na yung ngipin parang kasama yung buong bungo ko kasi kapit na kapit! Nang matapos na ang very arduous process of extraction, sabi ni doc hindi na kailangan ng suture kasi "maliit" lang daw yung butas. So kagatin ko nalang daw ang bulak para hindi mag bleed at kumain ng malalamig na pagkain. (malamig na tite.)

But no. Almost two hours have passed at hindi pa tumitigil ang bleeding. Namamaga na din yung pisngi ko sa sobrang sakit at para na ako mahihimatay sa sakit di ko na maaplyan ng pressure. Sa madaling salita, dinala ako sa emergency room sa ospital, at yung dentista ko din ang nagperform ng "emergency repair" sa akin.

Sabi niya, ang laki daw nung butas ng gums ko, kasya na daw halos yung bente singko na barya. Nagtataka siya kung bakit hindi tinahi. Nakakaloka kasi sabi naman nung Baclaran dentist eh "maliit" lang daw. Ang hayup na yun! At napag alaman namin na general dentist lang pala yung sa Baclaran, dapat pala Maxillofacial Dentist or Orthodentist and nagpeperform ng mga gantiong klaseng operation. Yes, operation siya na minor at major at the same time kasi daw may involved na incision at suturing, and at the same time ang location ay sa ulo.

So tinakot namin ang dentista sa baclaran at siya ang nagbayad ng hospital bills ko at nirefund niya ang professional fee. Aba dapat lang! halos naubusan ako ng dugo sa ginawa niya, in fact, sa emergency room, sinaksakan ako ng epinephrine. Dalawang ampules pa ata yun eh!

Katulad nga ng sinabi ko, left hemisphere pa lang ito. Hindi pa tapos ang aberya, may kanan pa, at up and down din! So this time, I had a real maxillofacialist do it, as referred by my dentist. Thank God at successful naman! At hindi siya inabot ng halos tatlong oras. 68 minutes lahat, to be exact, both up and down na iyon. Ang mahal nga lang, parang 8k yata bawat ngipin, so madugo sa bulsa, pati sa bunganga.

Sa sobrang traumatic ng pangyayare, pinagawang keychain ng nanay ko yung ngipin na nagka aberya. Hindi ko nga lang makita na kung saan ko nailagay, pero ito yung mga natirang ngipin:

Hindi totoo ang tooth fairy dahil nasa akin pa din ito after 6 years.

Tatlong ngipin lang lahat yan. The dentist had to break down one of them into smaller pieces kasi super laki daw at parang nigpin ng alien. Nakakapit na din daw siya sa may jaw ko. I can just imagine.

Since then, I've never visited any dentist again. I don't think I ever will, for that matter. Mabuti na lang at wala akong issues with matters of the teeth at the moment.

So para sa mga takot sa dentista, don't forget to brush your teeth and gargle! It's the only way to prevent future visits with the dentists.

Cheers!

Eu

No comments:

Post a Comment