Hello Kulam friends!
Today was a very hectic day. A quick visit to RITM turned out to be a whole day event plus a lot of temptations in between! Bakit ba ang daming gwapong lalaki sa Alabang? So nafoforce tuloy ako makipagtitigan at mag pacute putres!
As usual, early bird ako. mga 8AM nasa RITM na ako for my next dose of Hepa shot.Then I found out that hindi na pala ako kelangan ng next doses kasi reactive na daw ako sa Hepa, which means booster na yung inadminister sa akin previously, at nung bagets pa ako ay nabakunahan na ako ng hepa. Thank God at ayoko talaga ng injections!
My very good friend happened to be at RITM as well, and finally after 10 aeons ay mag start na din siya ng ARV's niya! I am so happy for him! he is finally going to get his life back! Tapos nalaman ko na ang derma pala ay tuwing 2PM onwards lang kapag ikaw ay kulam patient. Yung mga non-kulam patients pala umaga, and the reason for this is para nga naman hindi mahawa ang mga nakulam kasi nga immunocompromised tayo. Makes sense... But my business with the doctor was done already 10 AM palang, so what to do?! I just tagged around with my friend Val as he processed some of his shiz around RITM. We finished by around 12noon, so brother and I just decided to go to Festival to get some lunch. SIRA ANG DIET. I had three drumsticks and a chapchae sa Bonchon. Pero keri lang, I just had scrambled eggs and wheat bread and Kiwi for breakfast.
Then around 130PM we went back to RITM and just stayed around sa may stairs going down sa ARG baba.. Nakakaiyak. It was so calm and serene and the trees were really relaxing. I just wish life was that easy for all of us, pusit or non-pusit alike.
Mukha kaming tanga ng kuya ko kasi nakahiga kami sa gilid. Parang makaktulog na nga ako eh.
So when it was around 2-230PM already, I went up and proceeded to the Derma area na. Nakakaloka ang mga derma doon, parang ang babagal kumilos. Reminds me of Zombie cafe, yung game sa iOS. Siguro nga naman kasi wala namang naeemergency na ang kelangan mag attend ay dermatologist. Ewan ko ba. At ang saya saya kausap nung badette na derma dun ah. I forgot his name though.
Tatlo lang kami pero natapos ako parang mga 420PM na! Nakakaloka! I'm not complaining kasi di naman ako nagmamadali and scheduled naman lagi RITM trips ko, pero parang ang sluggish sa derma area. Oh well.
"Doc, I want a moisturizer sana that I can also eat, meron po bang ganon?"
"Ah oo, meron!"
Behold:
Natural Colloidal Oatmeal 2% |
And some bleaching creams para sa peklat sa may talampakan ko.
And after all this, we headed straight to S&R para mag grocery kung saan ang taas ng concentration ng mga gwapong lalaki kanina. Pag pasok ko palang ay may gwapong lalaki na kamukha ni Marvin Raymundo . May kasama siyang buff na lalaki. So alam na. At ilang beses niya ako tiningnan. Then sa may meat section, may gwapong chinito, yung nga lang di katangkaran, mga 5'7 lang siguro. Pero pwede na, malaman ang braso. Tangina talaga! Nagkakasala ako sa bawat kilos! I just came there to buy Salmon and veggies!!! Tapos sa may counter may isa pang cute chinito na naman na talagang feeling ko ay becki sa tingin pa lang!!! ARRRRRRGHHH!!!
So pag uwi namin, I cooked dinner. Again, healthy healthy-han ang peg.
Blanched veggies, Salmon steak, Corn |
Nagstock na ako ng madami. Sana taga Norway nalang ako para mura Salmon. |
Sana mapanindigan ko ito. Nakaka feel na ako ng slight na gutom as of writing this and I cannot deny it!!! Nakakastress!
Til next!
Eu
No comments:
Post a Comment