We've been talking about your planned departure to Singapore for over two months now. Today, you told me that it's confirmed. Aalis ka na any time soon.
Siyempre, malungkot ako, but I guess that's how I've always felt like every time I learn that someone close to me is leaving the country. Isa ata ito sa mga third world emo na hindi na maiiwasan.
So, sabi mo mag Skype tayo, which we did. we video chatted, habang busy ako sa paglalaro ng Candy Crush. Bago ka pa tumawag nag message ka muna sa Facebook at sabi mo
"tama na ang kaka Candy Crush."
Well, nahimasmasan ako for a moment kasi limang oras na ako naglalaro. Pero nung tumawag ka, naglalaro pa din ako. In short, pinapanuod mo lang ako mag Candy Crush sa Skype.
Kung sa Disc Jockeying Class, bagsak na tayo pareho kasi parang mahigit isang oras na dead air yung naranasan natin. Either busy talaga ako sa paglalaro, wala kang masabi, and ganoon din ako. But I can sense that it's more than those reasons. Parang may mga gusto tayo pag usapan na hindi natin alam kung paano simulan.
Talagang gustong gusto kong sabihin sa iyo itong kondisyon ko ngayon, pero bakit hindi ko magawa? Sa totoo lang, wala naman akong dapat ikatakot.
I guess, ito yung phase na "Ako ay nahihiya."
Then after some more dead air, I asked:
"Sa tingin mo ba matagal ka pang mabubuhay?"
Ang sagot mo:
"Oo, mga 50-60 years pa. Atsaka kakalabas ng lang ng HIV test result ko kahapon Negative naman."
Muntik ko na ngang masabi na:
"Wow. Sana ako din."
I knew you were in the brink of asking for my status, since you always had your instincts to check on me ever since we broke up. So I had to pretend I was talking to someone else just to get off that potential topic.
And then suddenly you asked me if may blog ba ako, at muntik ko na masabing oo.
So I just said,
"why?"
Ang sagot mo:
"Wala lang, kung mayroon, babasahin ko."
Ever since naman mahilig tayo pareho magsulat ng kung ano ano, I guess, nararamdaman mo na somewhere in cyberspace, nagtatago ang mga sinusulat ko. Pero siyempre di ko sinabi na mayroon nga. Hindi pa ako handa. Ewan ko ba.
So anong point nga ba ng entry na ito?
Ewan. I just suddenly realized no matter how well and okay I seem to be right now, or become at the future, I will always feel like there's a time bomb inside of me waiting to explode. So sometimes when I get so happy and ecstatic over something, I always get the fearful feeling like the first time na baka mawala na lang ako bigla.
Either madrama lang ako kasi bakla ako, or natural lang ito sa mga taong may kulam. Whatever the reason is, ito sana yung gusto ko pag aralang matanggap, na hindi ko kailangan mabuhay lagi sa anino ng takot every time na magiging masaya ako.
So help me God.
No comments:
Post a Comment