Mar 5, 2013

#12. Ronnie

Ronnie,

Sa lahat ng mga minahal ko, I would say, ikaw you classified under "the one that got away"

As always, ako may kasalanan.

Magkakilala na tayo two years na bago pa naging tayo. Hindi ko nga ma-imagine na magkakatuluyan tayo kasi grabe tayo magbaklaan. Iyong tipong ikaw si Allan K, ako si Vice Ganda. Pero nung nagkita tayo ulit noong gabing iyon, dala na din siguto ng alak, you made the moves on me. Agresibo ka para sa itsura mo, at being the timid person that I am, hinayaan lang kita. Wala namang nangyare talaga apart from kaunting himas-himas and all that jazz. We just kissed passionately. And since then, parang biglang naging ako na si Heath Ledger at ikaw si Jake Gylenhaal.

Isa kang Air Host noon so sobrang sabog ng schedule mo sa work. Ako naman hamak na college student pa lang. So whenever may time ka, ako ang nag aadjust, kasi nga naman mas afford ko umabsent kesa sa iyo. Naalala ko kapag matutulog tayo sa gabi at may flight ka the next day, tatanungin kita:

"anong oras ang balik mo?"

Ang sagot mo:

"basta wag ka mag alala pag gising mo nasa tabi mo na ulit ako."

And true enough, when I wake up in the morning, andun ka na nga ulit, like you never really left. Nakakaiyak. Tapos sabi ko pa sa sarili ko, hindi ko kaya ang ginagawa mo. Ayun, pag kagraduate ko, ganoon din ang naging trabaho ko.

Ang galing-galing mo mag luto. Namamalengke tayo sa talipapa sa Paranaque na para tayong mag-asawa. Tinuruan mo ako pumili ng magandang klase ng karne ng baka o baboy at manok. Pati isda, itinuro mo din. Ang linis-linis mo sa bahay, at ikaw ang naglalaba ng mga damit at uniporme mo. Pangarap mo maging piloto, at yun din ang pangarap ko noon. Sabi ko pag piloto na ako pupunta tayo sa Latvia.

Hanggang sa nag break tayo kasi di pa ako over kay Jose kahit halos dalawang taon na ang nakakalipas. Ang sama ko nga eh, sa text lang ako nakipag break sa iyo. Pagkatapos noon, never ka na nagparamdam. Mabilis ka naman talaga mag move on sa mga bagay-bagay. From time to time, kinakamusta kita sa kaibagan nating si Leo.

Noong mga 2006 din umalis ka na papuntang Dubai at doon pinagpatuloy ang career mo. Noong 2011, bigla kang nagparamdam ulit. At ako naman, taken na ni Froy. Pero dahil nga malandi ako at hindi makuntento, kinakausap pa din kita palagi at nagpapahiwatig ako ng "romance". I can't help it, kinikilig ako.

We were supposed to meet some time in 2011 during your vacation leave pero hindi ka sumipot. First time na someone stood me up, and it really hurt me and my ego. Since then, Kinalimutan na kita. Sabi ko, masaya ka na siguro, and true enough, masaya ka na nga, kasi yata nung buwan na magkikita tayo, doon mo na meet yung bago mong boyfriend. Understandable enough.

Until early this year I decided to tell Leo about my status. The first thing he told me was if it was okay to let you know. Pumayag naman ako. And the next thing I knew was you were also telling me na infected ka na din pala.

Parang naiyak yata ako for a few minutes, but I had to sound optimistic over the phone. You were technically still in prime condition when you were diagnosed. Isa ka sa mga "diagnosed early population" and I even congratulated you for it. Ang kapalit nga lang, napauwi ka from Dubai at nawalan ka ng trabaho.

Nagkita tayo sa RITM noong last Janauary, and when I finally saw you after almost 6 years, hindi ka pa din nagbabago.

Mukha ka pa ding anghel, malumanay, calm and composed. Niyakap pa kita sa ibaba ng ARG, naglaro pa tayo ng game sa Ipad mo habang nag iintay ng turn natin sa laboratory. Naglakad tayo dun sa may hallway sa labas ng training center na para bang mga high school students tayo na nagkukumustahan.

Sa isip-isip ko, sa lahat ng lugar na magkikita tayo ulit, dito na pala, pareho na tayong carrier nitong sakit na ito. Oh well, ganoon talaga. Pero ang mas masaklap siguro is ng makita kita ulit, I was reminded of what a big mistake I've done for letting you go. You are one of those rare guys who is for keeps. Yung tipong pang very long term relationship na iuuwi ko sa bahay at ipapakilala sa pamilya ko.

Pero habang kinakausap kita, nakita ko nga na naka move on ka na.

And As always, ako fucked up and stuck pa din.

I miss you.

Eu

No comments:

Post a Comment